Rebyu ng UP Writers Club ukol sa “Kumusta Kayo? Naratibo ng Kababaihang Magbubukid Ngayong Pandemya,” bagong zine ng Rural Women Advocates – RUWA, Amihan Women, at Gantala Press.
“Mahalagang marinig ang kanilang boses upang mabigyang linaw ang kanilang mga sitwasyon, hinaing at mga panawagan dahil na rin sa kanilang ‘di mapapantayang gampanin sa lipunan bilang magsasaka at manggagawa. Bagamat ang nagbahagi sa zine na ito ay mga indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kolektibo ang kanilang mga pahayag at bumubuo ito ng isang naratibo mula sa pinagtagpi-tagping tinig. Binigyang diin ng karamihan ang kahalagahan ng pangangalampag sa isang sistemang pabaya at mapang-abuso. Marangal at makabuluhan ang kanilang mga layunin at sa gayon nakikiisa kami sa mga panawagan ng mga peasante..”
Maraming salamat kay Gabrielle Gallardo at UPWC!