Kaisa ang Bantay Bigas, isang rice watch group para sa sapat, ligtas at abot-kayang presyo ng bigas na binubuo ng mga magsasaka, kababaihang magbubukid, maralitang tagalungsod, manggagawa, kabataan, empleyado ng gubyerno, taong simbahan, food advocates, rice millers at iba pa, sa panawagan ng masang magbubukid sa bansa para sa kagyat na pagsasabatas ng House Bill 239 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na panukala ng mga mambabatas sa ilalim ng Koalisyong Makabayan ngayong 18th Congress.

Ang sumusunod ay ilan sa mga batayan ng pagsuporta sa panukalang batas na ito:

Naniniwala kami na ang pangunahing nilalaman ng HB 239 GARB na “Libreng Pamamahagi ng Lupa” sa mga magsasaka at kababaihang magbubukid ay magreresolba sa matagal nang problema ng kawalan ng lupa at pag-alis sa kontrol nito sa iilang panginoong maylupa at dayuhang korporasyon sa bansa. Dapat makita sa panukalang batas ito na “walang babayarang amortisasyon” o ni “isang kusing” ang mga magsasaka at kababaihang magbubukid kapag naisabatas ito, kaiba sa mga nagdaang repormang agraryo ng gobyerno kagaya ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Bigo ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.  Sa mahigit 30 taong pagpapatupad nito, daan-daang bilyong piso ang ginugol ngunit hindi pa rin naresolba ang problema sa kawalan ng lupa ng mga magsasaka at kababaihang magbubukid. Ayon sa datos ng DAR nitong Disyembre 2016, umabot sa 4.8 ektaryang lupain ang napamahagi nila sa 2.8 milyong Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ngunit may balanse pang 600,000 ektaryang lupain na ipapamahagi mula sa target na 5.4 milyong ektaryang lupain.

Ang HB 239 GARB batay sa pagpapatupad ng “Libreng Pamamahagi ng Lupa” at “Tunay na Reporma sa Lupa” ay magreresolba sa krisis sa pagkain sa bansa kasabay ng pagpapaunlad ng industriya ng palay at bigas. Ang pagkakaroon ng lupa kasabay ng suportang serbisyo at produksyon mula sa gobyerno tulad ng mga binanggit sa mga probisyon ng panukalang House Bill 477 Rice Industry Development ACT (RIDA) ay matagal nang panawagan ng mga magsasaka at kababaihang magbubukid. Sasagutin ng panukalang batas na ito pagkakamit ng National Food Security ng bansa na nakabatay sa pagiging self-reliant at self-sufficient na hindi na aasa sa importasyon ng bigas. Sa pagpapatupad nito, kasabay na ibasura ang RA 11203 Rice Liberalization Law at iba pang mga polisiya sa ilalim ng leberalisasyon sa agrikultura at pag-alis ng bansa sa pagiging miyembro nito sa World Trade Organization (WTO).

Kung kaya, naniniwala kami sa Bantay Bigas na kagyat nang isabatas ang HB 239 GARB na magpapalaya sa ilang dekadang problema ng mga magsasaka at kababaihang magbubukid sa bansa gayundin pagresolba sa nararanasang kahirapan at kagutuman sa kanayunan.

Sanggunian:

Cathy Estavillo

Spokesperson

Bantay Bigas

Photo by Gabriela Women’s Party

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Follow by Email