PANGALIYA UG PAGYUKBO SA KABABAYEN-AN SA IKA-35 KA TUIG NGA ANIBERSARYO SA PAGKATKOD SA AMIHAN KON NASUDNONG PEDERASYON SA KABABAYEN-ANG MAG-UUMA

Naniniwala kami na makabuluhan ang ipinaglalaban ng mga kababaihan na kalahati sa ating lipunan

Sa talas ng aming pag-iisip, sa kakayahan naming harapin ang kahit anong pagsubok sa pamilya lalo na sa mga bata at ibang kahirapan sa buhay, sa kakayahan naming harapin ang mga responsibilidad sa loob man o labas ng bahay, sa kakayahan naming suportahan ang isa’t-isa, sa aming makabayang pananaw at patuloy na pakikibaka, sa pagka Kristyano at pagiging pandaigdigan/makamundo.

Sa pag-agos ng buhay, pag-anak at sa lahat ng sakripisyo kahit pa sa napakadaming banta galing/mula sa mga taong nasa /makapangyarihan, sa pamamagitan/na ginnamit ang pasistang militar at kapulisan, pinapanday at pinapanatiling malakas at matatag ang kasaysayan sa buhay ng kababaihan , na kasaysayan din sa sangkatauhan.

Mangagawang bukid, Manggagawa sa pabrika
Taga-ani at taga-saka, Taga alaga sa kabataan at taga-turo
Taga-simula , Manunulat at Taga-gawa ng batas, Mananahi at Taga-habi
Taga- aruga sa bahay, Katulong at Ekonomista
Taga-gawa ng nipa para bubong, Taga-tinda, at Mangingisda
Tagapaglikha ng sining at likas na Matalono, Taga- luwal ng buhay
Siyentipiko at manggagamot, Magulang at Kasama
Hindi kinilalang kabilang sa lakas-paggawa dahil mahina at libangan lang para sa di makatarungang lipunan

Ipagdiriwang namin ang pasko ng aming buhay, kakayahan at kasanayan
Kasama na rin ang aming limitasyon, mga kahinaan at katatagan
Ngayong IKA-35 NA ANIBERSARYO sa pagkatayo ng
National Federation of Peasant Women o AMIHAN
Isulong natin ang ating pakikibaka sa mas taas na antas
Depensahan at Isulong natin ang ating mga KAHILINGAN; at
Lumaban para sa Inang Bayan

• Tinatanggap namin ang aming mga kabiguan at mga pagkukulang, pinuna namin ang aming mga sarili sa pagtanggap sa mga pang-aapi at hindi pantay na pananaw sa relasyon ng babae at lalaki na tinakda ng kulturang nagsisilbi lamang sa interes ng mga panginoong may lupa, mga bukurukrata kapitalista at mga imperyalista.

Sinasabi nilang tayo ay mga mahinana, pang kama at pang bahay lang. Ngunit hindi tayo papayag na patuloy nila tayong pagsamantalahan, kailangan nating kumilos para pandayin ang ating kinabukasan at protektahan ang kalikasan na hiniram nating sa mga kabataan. Makibaka at Sumali tayo sa protesta ng taumbayan.

Pinangarap namin ang isang malayang lipunan kung saan, patas ang karapatan ng kababaihan at kalalakihan lalo na sa produksyon.
Mag-angkin ng kayamanang nararapat at mabigyan ng parte sa grasyang aming nilikha

Sumusumpa kami na ang aming kabutihan at kagalingan nasa aming mga kamay kasama ang lahat an aping sektor sa lipunan.

Kasali na ang lahat na mapannlikhang kapangyarihan sa mundo na nangangarap ng kaayusan, hustisya, katarungan sa pamamagitan ng pambansa-demokratikong pakikibaka para itayo ang kaharian ng langit dito sa lupa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Follow by Email