Tunay ngang dapat ipagdiwang ang mga tagumpay na inyong naisagawa at pangalagaan ito upang lalong pang tumatag at ipaglaban ang Tunay na Reporma sa Lupa.
Dapat namang mapasainyo ang lupang inyong pinaghirapan simula pa sa inyong mga ninuno. Kaya’t natutuwa kami na nakaabot na kayo ng 4 na taon sa pagtatanggol sa karapatan niyo sa paninirahan at pagbubungkal ng lupa. Napatunayan naman na nakapagtawid talaga ito sa inyong kabuhayan, at maging sa panahon ng pandemya ay nagligtas sa inyo sa kagutuman at kahirapan.
Nananawagan kami sa mga grupo na tulungan at suportahan natin ang Lupang Ramos. Kung saan higit pang paunlarin ang pakikibaka ng kababaihang magbubukid na siyang patuloy na nagtataguyod sa bungkalang ito. Napatunayan natin na ang sama-samang pagkilos, kolektibong pagpaplano at pagsasagawa ng mga gawain sa ating kabuhayan para sa ating paninindigan para ipagpatuloy ang laban na siyang malaking armas na kinakailangan ng ating mamamayan.
Kaya’t natutuwa kami na patuloy ang ating pakikibaka at nandiyan pa rin kayo, at kami sa AMIHAN ay naniniwala at sumusuporta kasama ang ilang grupo ng kababaihan at mga magsasaka sa inyong laban.
Tunay na Reporma sa Lupa, Ipaglaban!
GARB Isabatas!
Depensahan at suportahan ang bungkalan ng Lupang Ramos!
Zen Soriano
National Chairperson
AMIHAN National Federation of Peasant Women