Statement ng Amihan at Bantay Bigas ukol sa 0.9% inflation rate nitong Setyembre
“Sa aktwal, ramdam ng malawak na mamamayan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at hindi ang pagbaba nito. Sa bigas, umaaray ang mga mahihirap na konsyumer dahil pinepwersang bumili ng P36 kada kilo ng bigas pataas. Ang hinahanap ng mahihirap ay ang P27 kada kilo ng NFA rice, pero sa ngayon, konti o wala na ito sa mga palengke dahil sa RA 11203 Rice Liberalization Law. Kaugnay nito, ang mga magsasaka ay malalim ang pagkakabaon sa utang dahil nga bumagsak ang presyo ng palay. Walang kwenta ang inflation rate na ito dahil nasa bingit na sila ng pagkawala sa lupa at pagkakatulak sa matinding gutom. Ayuda at pagbasura sa RA 11203 ang kailangan ng mga magsasaka, habang pagtaas ng sahod naman ng mga manggagawa sa lungsod ang kailangan, hindi ang sobrang pagpuri ng gubyerno sa inflation rate,” – Cathy Estavillo, Bantay Bigas Spokesperson & Amihan Secretary-General.