Kumusta kayo?
May 19.7 milyong magsasaka, mangingisda, at manggagawang bukid ang ilansa pinakamasidhing naaapektuhan ng kasalukuyang krisis ng COVID-19. Bukod sa hindi nila maibenta ang kanilang mga produkto dahil sa lockdown, hindi rin sila makapasok sa ibang mapagkakakitaan. Doble ang hirap na nararanasan ng kababaihang pesante. Pasan nila ang paghahanap ng pagkain at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya. Mapanganib din ang lockdown para sa mga nakararanas ng pang-aabuso. Gayundin, tumataas ang bilang ng di-planadong pagbubuntis at pagpapalaglag, at ang pagkakasakit at pagkamatay dahil sa kawalan ng akses sa serbisyong seksuwal at reproduktibo.
Inaanyayahan ng Amihan Peasant Women, Rural Women Advocates, at Gantala Press ang mga babaeng magsasaka, mangingisda, manggagawang bukid, katutubo, at mga nanay sa baryo na sagutin ang tanong: “Kumusta kayo sa panahon ng lockdown?” Maaari kayong sumulat sa inyong wika, kahit gaano kahaba. Maaaring pumiling isa o higit pang gabay na tanong sa susunod na pahina. Layon ng mga organisador na tipunin ang mga naratibong ito sa isang munting libro pagkatapos ng lockdown. Ipadala ang inyong akda sa amihanpeasantwomen@gmail.com hanggang Mayo 1, 2020.
Maraming salamat!