Manila, Philippines – “Sa pagmarka ng ika-122 taon ng Araw ng Kalayaan, kasama kami sa lumalawak na oposisyon sa ‘terror bill’ ng rehimeng Duterte, na lalong magpapalala sa paghahasik ng terorismo ng estado laban sa mamamayan, laluna sa mga nasa kanayunan. Gagamitin lang ito sa pag-atake sa mga hakbang ng kilusang magbubukid at kababaihang magsasaka na manatili sa lupang sinasaka at maibsan ang kagutumang nararanasan. Kapag naisabatas ito, lalo lamang lalala ang kagutuman at kahirapan ng mga marginalized sectors sa kanayunan,” exclaimed by Zenaida Soriano, Amihan National Chairperson said in a press statement.
Amihan stressed that it is even globally recognized that the Duterte regime is averse with human rights, commits crimes against humanity, as manifested by mounting cases of extrajudicial killings of peasant activists, bombings of peasant communities, forced evacuations, illegal arrests and filing of trumped up charges, systematic red-tagging and other abuses. Thus, allowing it to enact the “terror bill” is essentially tolerating authoritarianism and dictatorship, and undermining democracy and freedom in the country.
“Walang kalayaan sa bansa kung malala ang kagutuman at pang-aabuso. Hindi lang mga aktibista at oposisyon ang tatargetin ng terror bill. Napakarami nang kaso na mismong mga tagasuporta ng rehimen ay biktima ng abuso nito. Buong mamamayang Pilipino ay magiging biktima ng panukalang ito. Kitang – kita ang ebidensya na hindi tinutugunan ng rehimen ang pangangailangan ng mamamayan. Ang kailangan natin ngayon ay mass testing para matapos na ang pandemya, ayuda sa mga pamilyang mahihirap at production sa mga magsasaka, para hindi magutom ang bansa, pero inuna pa nito ang terror bill, na malinaw na paghahanda laban sa mga protestang kokontra sa mga maanomalyang plano nito sa hinaharap,” Soriano said.
She urged the people to further join the call of “#JunkTerrorBill” and uphold genuine freedom in the country.
“Lagi nating isipin na ang mga ninuno natin ay nakipaglaban sa mga dayuhan, dahil inisip nila ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon. Gayun din ngayon, labanan natin ang terror bill, hindi lang para sa atin kundi para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon. Ang kalayaan ay ipinaglalaban, at ang kaaway ngayon ng kalayaan ay ang rehimeng Duterte,” Soriano ended. ###