February 10, 2020
Good afternoon, Mr. Speaker.
Today, I rise once again to bring to the attention of this august chamber, the plight of our farmers, farm workers, millers, and the Filipino people who are suffering from the disastrous impacts of the Rice Liberalization Law.
Sa pagdaan ng mga taon, nalugmok ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas. Mula sa pagiging rice exporter at self-sufficient, nauwi tayo sa pagiging import-dependent. What is worse is that in 2019, Philippines is considered the world’s #1 rice importer beating China. Record-setting, pero hindi nakakatuwa. Bagkus, ito ay lubhang nakakabahala.
Sa kasalukuyan, nananatiling atrasado ang pagsasaka sa atingbansa. Malaking bilang ng mga magsasaka ang walang sariling kagamitan sa pagsasaka, at hindi nila pagmamay-ari ang kanilang lupang sinasaka. Nananatili pa ring nakakonsentra ang pagmamay-aring lupa sa iilan dahil sa huwad na repormang agraryo.
Mr. Speaker, NoongPebrero 14, 2019, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law. Ang batas na ito ay bunga ng pagsunod sa dikta ng World Trade Organization o WTO na naglalayong tanggalin ang quantitative restriction o limit sa importasyon ng bigas, at bilang kapalit nito ay ang pagpataw na lamang ng taripa kung ito ay magmumula sa mga bansang ASEAN.
Mag-iisang taon nang ramdam ng m gamaralitangmagsasaka, rice millers, konsyumer at mamamayang Pilipino ang malagim na bunga at ang ibang klaseng hagupit na idinulot ng Rice Liberalization Law.
Matagal nang hiling ng mga magsasaka ang pagtaas ng presyo ng palay mulasa kasalukuyang pambabarat sa kanilang produkto, ngunit mula noong ipatupad ang batas na ito, tila suntok na sa buwan ang kanilangkahilingan. Naitala ang pinakamababang presyo ng palay na umabot ng 7 pesos kada kilo.Nangangahulugan ito ng pagkalugi, pagkakabaonsa utang, pagkatanggal sa lupa ng mga magsasaka. Malaking dagok ito sa mga magsasaka dahil sa kawalan ng suportang serbisyo para sapagsasaka. Marami na ring mga magsasaka ang tumigil sa pagsasaka. Hindi lalaon ay hahantong na ito sa pagkamatay ng lokal na pagsasaka ng palay, at lalong pagkalugmok ng ating agrikultura.
Resulta rin ng liberalisasyon ang pagkawala ng murang bigas tulad ng NFA rice at pagbaha ng imported rice na hindi naman naggarantiya ng mababang presyo sa merkado.Nagtitiis na lamang ang mga mamamayansa mas mahal na commercial rice na P32 hanggang P50 kadakilo. Hirap na nga magbudyet ang mga nanay natin dahil sa kakarampot na kita sa trabaho, mas lalo pang pahihirapan ng batas na ito.
Ginoong Speaker, bunga ng pagtanggal ng regulatory powers at ng mga mahahalaga ng tungkulin sa NFA, itinulak agad nito ang pagtanggal sa trabaho ng halos 1,000 empleyado ng NFA. Apektado rin ang 20,000 NFA accredited retailers at 60,000 trabahador nito, 6,000 maliliit na traders, 6,600 na millers at 55,000 na trabahador sa mga mill at iba pa sa manupaktura. Sa madaling salita, ito ng batas na ito ay nagbunga ng malawakang pagkawala ng trabaho at hanapbuhay ng mamamayang Pilipino.
Ginoong Speaker, naglunsad ng mga aktibidad at mga pagkilos ang iba’tibang grupo upang ipagbigay-alam sa nakakarami ang epektonito. Isa narito ang petisyon para sa pagpapabasura ng batas na ito na pinirmahan ng 50,000 na mamamayan at ipinasa sa kongreso at senado. Patuloy na dumarami ang pumipirma sa panawagan para sa pagbabasura ng Rice Liberalization Law. Nakapaglunsad din tayo ng forum ditto sa Kongreso na dinaluhan ng mga kapwa ko kinatawan, iba’tibang organisasyon, research center, rice millers at mga magsasaka na nagresulta ng isang resolusyon na pinirmahan ng mahigit 50 kinatawan na nananawagan nadagdagan ang pondo ng NFA para sa pagbili ng palay.
Hanggang ngayon, nag-aantay silang tingnan ang kanilang kalagayan at dinggin ang kanilang panawagan.
Sa kabilang malalang sitwasyon ng ating mga magsasaka, lalo pang pinatindi ang kanilang kalagayan ng malawakang militarisasyon sa kanayunan na nagdudulot ng takot at pangamba. Pilit na sinusupil at pinatatahimik ang mga nananawagan ng dagdag na serbisyo at iba pang lehitimong panawagan. Kamakailan ng lamang ay hinuli ang women at human rights defenders sa Tacloban City at inakusahang kabilang daw sa rebeldeng grupo. Isa sa kanila ay si Frenchie Mae Cumpio na nakasama natin dito sa loob ng mababang kapulungan noong nakaraang Nobyembre kasama ang mga magsasaka mula sa Eastern Visayas. Narito sila upang lapitan ang kanilang mga kinatawan kaugnay ng isyu ng tumitinding kahirapan ng mga magsasaka dahil sa Rice Liberalization, militarisasyon at kawalan ng akses sa serbisyo.Dalawa rin sa mga kinulong at sinampahan ng gawa-gawang kaso ay mga dating miyembro ng Gabriela Youth. Noong nakarang buwan, si Jennifer Tonag, isang organisador ng mga magsasakasa Northern Samar ay piñata pagkatapos dumalo sa isang seminar naisinagawa ng DILG. Mr. Speaker, hindi makatwiran nahulihin ang mga taong nagsisilbing boses ng mga magsasaka at aping mamamayan.
Ginoong Speaker, sa darating na February 14, mag-iisang taon na mula noong isabatas Republic Act 11203 – batas na maituturing na walang puso at lubhang nagpapahirap sa mga magsasaka.
Ngayong darating na buwan ng Marso ay panahon na naman ng anihan. Muli na naming mararanasan ng mga maralitang magsasaka ang tindi ng hagupit ng batas na ito. Kaya naman, Ginoong Speaker at mga kapwa ko mambabatas, dinggin natin ang panawagan ng mga magsasaka na muling tingnan ang nilalaman ng batas at ang mga naging epektonito.
Sa daratingna February 14, kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso ipagdiriwang din natin ang pagkakaisa ng mga kababaihan sa buong mundo sa ilalim ng kampanyang One Billion Rising.
Titindig ang mga kababaihan kasama ng magsasaka para sa panawagang ibasuraa ng RA 11203 o Rice Liberalization Law. Tumindig tayo para sa ating mga magsasaka at para sa atingagrikultura, at para sa mamamayang Pilipino.
Let us Rise for Rice! Junk Rice Liberalization Law!
Maraming salamat!